Nakatakdang ikasal ang Kapamilya Star na si Erich Gonzales sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mateo Rafael Lorenzo sa Marso 23, 2022.
Ibinunyag ito ng isang Catholic Church sa Metro Manila sa pamamagitan ng Marriage banns.
Ang Marriage banns ay isang public announcement ng isang simbahan tuwing nalalapit na ang kasal ng dalawang tao.
Lowkey ang relasyon nina Erich at Mateo. Minsan na ring nagpost ang 31-anyos na aktres ng kanilang larawan sa social media pero dinelete na niya ito.
Kabilang sa mayamang pamilya ang 29-anyos na si Mateo at nagmamay-ari umano ito ng maraming ari-arian at mga kilalang kumpanya.
Noong 2017, ibinunyag ni Kris Aquino, na malapit kay Erich, na isang mystery guy ang bumisita sa aktres noong nagshoshooting siya ng pelikulang "Siargao."
At taong 2018 naman, napabalita rin na nakitang magkasama sina Erich at Mateo sa Japan.
As of writing, wala pang pahayag ang aktres tungkol sa kanyang kasal.
Robert Requintana