Nanawagan si senatorial aspirant Alan Peter Cayetano noong Huwebes, Pebrero 17 para sa higit pang mga forum kung saan maaaring lumahok ang mga kandidato sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 9 upang mapataas ang edukasyon ng mga botante.

Ayon kay Cayetano na napakahalaga para sa mga botante na maging pamilyar sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma.

Aniya, higit lalong maganda kung sa mga radyo gaganapin ang mga forum dahil naaabot nito ang kasuluk-sulukang parte ng bansa.

“I’d really like to have more forums. Lalo po sa radio, abot ‘yun sa na sulok ng ating bansa. Kasi napakaimportante na marinig talaga ‘yung plataporma," ani Cayetano.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

"Hindi lang ‘yung makita ‘yung kandidato, hindi lang ‘yung ma-entertain, pero ‘yung marinig talaga paano niya gagawin ‘yung mga pinapangako niya," dagdag pa niya.

Sinabi rin niya na ang mga nanalo sa halalan ay haharap sa mahihirap na hamon habang ang bansa ay nagsisikap na makabangon mula sa mga epekto ng coronavirus pandemic.

Giit ng tumatakbong senador, "Grabe ang trabaho next term. Kahit sinong manalo, dahil sa pandemic at dahil sa lahat ng recovery na kailangan, talagang all hands on deck. It’s one of those elections na kahit manalo ka, hindi ganun kadali ang trabaho."

Para naman kay Cayetano, kaya niyang makatrabaho ang sinumang mananalo sa pagkapangulo sa darating na eleksyon dahil matagal na siyang mambabatas.

“Sa panahon na ito, sa tingin ko, tulong-tulong ang kailangan. Napakahirap ng recovery sa next administration," palagay ni Cayetano.