Sa wakas nagsalita na rin ang Kapuso actor na si Rayver Cruz hinggil sa naganap na hiwalayan nilang magdyowa noong nakaraang taon ng ngayo'y Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.

Matagal din ang pananahimik ng magkabilang kampo sa naunsyaming relasyon ng dalawa. Kaya naman samu't sari ang naging reaksyon ng mga netizens sa nakakapanghinayang pag-iibigan nila Rayver at Janine.

Sa panayam recently kay Rayver ng Chika Minute ng “24 Oras” ready itong sumagot at nilinaw ng aktor kung mayroon bang third party sa hiwalayang naganap sa kanila ni Janine.

Aniya, “Kinaklaro ko po na there was no third party involved especially from my end.” Umugong kasi last year ang chikang nagkakamabutihan na umano sina Rayver at Julie Anne San Jose na last year ay pawang host ng “The Clash” Season 4 ng GMA-7. Atleast ngayon malinaw na ang lahat.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Dagdag pa ni Rayver happy at nakamoved on na raw siya sa break-up at ok na siya nitong 2022 lalo't bisi- bisihan siya sa bago niyang teleserye na “Bolera” ng GMA-7 na makakatambal si Kylie Padilla. 

“Okay na ’ko and naka-move on na ’ko. 2022 na eh, so masasabi ko na naka-move on na ’ko and I’m happy," dagdag pa niya.

In fairness to Rayver hindi siya nababakante ng project dahil laging may kasunod after matapos ang kanyang teleserye na “Nagbabagang Luha” bukod pa sa may “All Out Sundays” ito tuwing Linggo. So hindi na nga nakakapagtakang nakamoved on na ang aktor. Yun na!