Nagmamatigas pa rin si senatorial candidate at datingpresidential spokesperson Harry Roque na isusulong ang panukalang batas para sasame-sex marriage sa bansa kung siya ay manalo sa 2022 National elections.
"Pabor po ako diyan dahil hindi po puwede manghimasok ang estado pagdating sa isyu kung sinong mamahalin at sinong magiging kapiling sa buhay,"pahayag ni Roque nitong Huwebes, Pebrero 17.
Bukod dito, binanggit din ni Roque na pabor siya na gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas.
“Pabor din po ako dyan kasi talaga naman pong may mga taong nagkakamali ang nagbabayad po ay ang mga anak," paliwanag nito.
Si Roque ay kabilang sa senatorial list ng UniTeam nina presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at vice presidential aspirant, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Noong Enero 6, 2020, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong gawing legal ang pag-aasawa ng magkatulad na kasarian dahil hindi ito kinikilala sa isang Katolikong bansa, katulad sa Pilipinas at labag sa Konstitusyon.
Sa petisyon ng aminadong gay lawyer na si Jesus Falcis, nais nitong ipadeklarang labag sa Konstitusyon ang ilang probisyon ng Family Code ng Pilipinas na tumutukoy na ang pag-aasawa ay sa pagitan lamang ng isang lalaki at babae.