Nagpahayag ng paghanga si Barangay Ginebra coach Tim Cone sa prangkisa ng Alaska kasabay ng pagkalungkot dahil sa pag-alis na ng koponan sa liga pagkatapos ng 2021 PBA season.

Sa isang pahayag, sinabi ni Cone na nagpapasalamat siya sa Alaska dahil kung hindi sa kanila ay hindi niya natamo ang mga naging tagumpay nito bilang coach sa PBA.

Sinabi rin nito na malaki ang naging utang na loob nito kay Alaska team owner Wilfred Uytengsu dahil sa pagbibigay sa kanya ng gabay sa loob ng 23-taon niyang pananatili sa naturang koponan

“I’m saddened by the news of Alaska’s exit from the PBA, but looking back, I’m extremely proud of my time (23 years) with Alaska where I made many lifetime friends amongst the players and staff. My coaching career grew up under the stewardship and friendship of Mr. Uytengsu, and I’m grateful for his mentoring. I am who I am as a coach and as person because of that,” pagpapaliwanag ni Cone.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Nitong Miyerkules ng umaga, inanunsyo ni Uytengsu na aalis na ang Alaska sa PBA at tatapusin na lamang nila ang final conference nito sa pagpapatuloy ng Governors' Cup.

Matatandaang nakopo ng Alaska ang 14 na titulo, 13 dito ay mula sa paghawak ni Cone sa koponan bilang coach, kabilang ang 1996 grand slam kung saan tampok ang paglalaro nina Johnny Abarrientos, Jojo Lastimosa, Bong Hawkins, Jeff Cariaso, Bong Alvarez at iba pa.