'Some things never change'

May mga bagay talagang hindi mo mababago. Iyan ang pinatunayan ng isang foreigner matapos gawin nito ang "then-and-after" photo na siya namang pumukaw sa netizens.

Larawan: Patrick O'Cock/FB via Boracay Retrospective

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa Facebook group na "Boracay Retrospective," ibinahagi ni Patrick O'Cock ang larawan ng kanyang anak kasama ang ilang bata mula sa tribu ng Atis noong 1993 at remake photo nito noong 2020.

"Our son Josh with the Ati kids in Bulabog 1993 and then again below in 2020 at Ati Village," caption ni O'Cock sa kanyang post.

Ang European native mula Malta na si Patrick ay muling bumalik sa Ati Village sa Bulabog, Malay taong 2020 at ni-recreate ang larawan ng anak nitong si Josh at mga kasama nito sa larawan noong 1993.

Umani na ng 20K likes ang post ni Patrick na napuno naman ng mga positibong komento mula sa netizens.