Kinakiligan ng mga 'BeaDom' fans ang latest vlog ni Kapuso star Bea Alonzo matapos i-guest ang jowang si Dominic Roque, at ibinahagi nila kung paano umusbong ang kanilang love story, sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa kanila ng mga netizen.

"So, eto na nga, @Dominic Roque and I will share with you our love story just because it’s Valentine’s. ❤️ May naidamay pa kaming witness. ? Masaya to, kilig lang. ?" ani Bea sa caption ng kaniyang vlog na 'Finally! Sharing with you Our Love Story #BeaDom.'

Dominic Roque at Bea Alonzo (Screengrab mula sa YT)

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

"Pagpasensyahan n'yo na, medyo pabebe ako sa video na ito, napansin ko lang after ma-edit! Sorry po, kinilig lang," walang kagatolgatol na pag-amin ni Bea na talagang kilig na kilig siya sa guwapong jowang si Dominic, na noong una raw ay inakala niyang mas bata kaysa sa kaniya. Mukha lang daw talaga itong 'baby'.

In fairness, matapos i-upload noong Pebrero 12, may 1,245,681 views na ito. Isa sa mga walang kiyemeng inamin ng aktres---siya raw ang unang humalik kay Dom!

Nagkabukingan ang magdyowa tungkol sa ilang kaganapan sa kanilang relasyon sa Valentine vlog ni Bea kung saan muli niyang nakasama ang kanyang boyfriend.

'When was our first kiss?' binasang tanong ni Dominic mula sa cellphone, na agad namang sinagot ni Bea.

"Sa bahay. Gusto mo i-share?” ani Bea.

"Kiniss ako nito," diretsahang sey ni Dominic.

At talaga namang ikinuwento na nga ni Bea ang mga pangyayari.

"Ganito kasi ‘yung nangyari, oo kiniss ko siya. Inumaga kami, hinatid niya ako sa bahay and ang sakit ng paa ko noon."

"Kasi nagsuot ako ng heels buong araw tapos kinuha niya ‘yung paa ako at minasahe niya. As in ang sakit talaga ng paa ko tapos minasahe niya,” kilig to the bones na kuwento ni Bea.

At dito na nga ginawaran ng matamis na halik ni Bea si Dominic.

“Basta parang nakatayo na kami noon and tapos kiniss ko siya. Tapos noong una pa ganito ‘yung kiss niya (nag-aalangan)."

"Naisip ko parang nagkamali yata ako, bakit ko siya kiniss ganyan. Tapos nag-pull back ako, tapos kiniss niya na ako ng totoong kiss kasi parang natawa ako,” sey pa ni Bea.

"Oo, ako ‘yung unang nag-kiss sa ‘yo. Happy?" natatawang sabi ng aktres sa nobyo.

"Bakit wala naman akong sinasabing hindi eh,” natatawang saad naman ni Dom na halatadong kinikilig din sa mga sinasabi ng jowa.

Ang naging daan daw upang magkakilala sina Bea at Dominic ay si Unkabogable Star Vice Ganda. Pare-pareho kasi silang dumalo sa isang event noong 2016. Inamin naman ni Dominic na crush na niya noong una pa man ang isang Bea Alonzo.

Simula noon ay napapadalas na ang pag-ugong ng mga chikang naka-move on na umano ang aktres sa kaniyang dating karelasyong aktor na masaya na rin sa bago nitong jowang aktres.

Noong Agosto 2021 inamin ni Bea na jowa na niya si Dominic at noong Enero 28, nagdiwang sila ng unang anibersaryo bilang magkasintahan.

Aminado naman si Bea na minsan daw ay nagkakatampuhan pa rin sila ni Dominic dahil habang tumatagal ay may mga bagay silang natutuklasan sa isa't isa na hindi nila napagkakasunduan, subalit bahagi raw ito ng proseso.

Gusto naman ni Dominic na bawas-bawasan ang pagtutok ni Bea sa trabaho lalo't baka mapabayaan daw nito ang kaniyang sarili. Inamin naman ni Bea na hindi siya multi-tasker, at kapag may trabaho siya, talagang tutok siya rito. Minsan nga raw ay hindi siya nakakapag-update sa jowa.

Speaking of trabaho, marami na ang nag-aabang sa mga gagawing teleserye ni Bea sa Kapuso Network. Maugong ang bali-balitang gagawa sila ni Alden Richards ng Pinoy adaptation ng Korean series na 'Start Up' at syempre, ang kanilang pelikula na isa ring adaptation.