Kinumpirma ng campaign manager ni Presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na si Lito Banayo na hindi dadalo ang alkalde sa SMNI Presidential Debates.
Ayon kay Banayo, nakatakdang pumunta ang national slate ni Domagoso sa mga probinsya ng Samar sa Pebrero 15 hanggang umaga ng Pebrero 16.
Nakatakda ang presidential debate sa Martes, Pebrero 15.
Samantala, nagsabi rin sinahttps://balita.net.ph/2022/02/14/ping-lacson-hindi-dadalo-sa-smni-debates/"> Senador Ping Lacson, https://balita.net.ph/2022/02/14/manny-pacquiao-tinanggihan-ang-presidential-debate-ng-smni-media-ni-quiboloy/">Senador Manny Pacquiao, at https://balita.net.ph/2022/02/14/vp-leni-hindi-dadalo-sa-smni-debates-dahil-sa-schedule/">Vice President Leni Robredo na hindi sila dadalo sa naturang debate.
Ang SMNI ay pagmamay-ari ni Pastor Apollo Quiboloy, founder ng the Kingdom of Jesus Christ na nasa “most wanted list” ng FBI.