Isang araw bago ang pagdiriwang ng Valentine's Day ay may unkabogable pasabog si 'It's Showtime' host Vice Ganda sa kaniyang latest vlog, kung saan inamin niyang ikinasal na sila ng kaniyang jowang si Ion Perez noong Oktubre 2021 sa Las Vegas, USA.

Image
Vice Ganda at Ion Perez (Larawan mula sa Twitter)

Kung babalikan, nagkaroon ng concert tour si Vice noong Oktubre at kasama niya rito si Ion. Napabalita ang kanilang kasal subalit wala naman silang kinumpirma tungkol dito, bagama't paminsan ay 'asawa' na ang pakilala ng comedy star kay Ion.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ngunit nitong Pebrero 13 ay ibinuking na nga ni Vice na totoo ang mga bulung-bulungan noon pa man. Ginanap ang kanilang kasal sa The Little Vegas Chapel. Legal ang pagpapakasal ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa US.

Bagama't nasa ibang bansa, ang kanilang wedding vows ay nasa wikang Filipino.

"Nandito ako na buong-buo 'yung loob ko na makasama ka. Wala akong ibang masabi kundi mahal na mahal kita, Tuy. I love you," pahayag ni Ion kay Vice.

"Mahal na mahal din kita, ang saya saya ko na ikaw ang kasama ko ngayon, at ikaw 'yung kasama ko kahapon, at ikaw 'yung alam kong makakasama ko pa rin bukas at sa susunod na araw. Iyon ang ipinagdarasal ko, na sa mga susunod na araw, ikaw pa rin ang kasama ko at ako pa rin yung kasama mo.

Ibinida rin nila ang kanilang mga singsing at certificate of commitment na pareho nilang nilagdaan.

Vice Ganda at Ion Perez (Screengrab mula sa YT/Vice Ganda Channel)

Nagdiwang ng kanilang ikatlong anibersaryo ang mag-asawa noong Oktubre 25, 2021.

Saad naman ng dating talent manager at kaibigan ni Vice na si Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog na 'Showbiz Update', matagal na raw itong pangarap ng Unkabogable Star.

"Actually matagal ko nang kilala si Vice, 'yan talaga ang pangarap niya, yung may tatayo para sa kaniya, yung paninindigan siya, na hindi dahil sa kasarian, kundi dahil mahal siya," sey ni Ogie.

Biro pa ni Ogie, "Kelan na kaya ang pagbubuntis?"

Pagbubunyag pa ni Ogie, mukha raw may plano ang mag-asawa, subalit hindi na niya dinetalye kung ano ito; sa susunod na episode na lamang daw.

Vice Ganda at Ion Perez (Screengrab mula sa YT/Vice Ganda Channel)

Vice Ganda at Ion Perez (Screengrab mula sa YT/Vice Ganda Channel)

Perez joined “It’s Showtime” initially as Kuya Escort in the noontime show's Miss Q&A segment.

Mayo 2018 nang unang magkrus ang mga landas nina Vice at Ion sa programa niyang night talk show na 'Gandang Gabi Vice.' Si Ion ay kontesero sa mga pageants.

Napabilang si Ion sa It's Showtime bilang 'Kuya Escort' sa segment na 'Miss Q&A' noong Setyembre. Simula noon ay napabalita na ang pagde-date ng dalawa.

Oktubre naman ng taong 2019 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon, sa pamamagitan ng kanilang 'Magpasikat'.