Apat na buwan nang kasal ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa kanyang Irish businessman na boyfriend na si David Rainey.

Sa kanyang eksklusibong panayam sa "Kapuso Mo Jessica Soho" nitong Linggo, Pebrero 13, ibinunyag ng aktres na noong Oktubre 2021 pa sila ikinasal sa Ireland.

"We're just waiting for the right time. David was a very private person. We just wanted to celebrate it for ourselves and with the family," ani Glaiza kung bakit itinago muna nila ang tungkol sa kasal.

Nagkakilala sina Glaiza at David noong 2018 sa Siargao. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Lumipad si Glaiza sa isla para sa kanyang birthday at doon niya nakilala ang tahimik at mahiyain na si David.

Ngunit hindi naging madali ang kanilang naging relasyon dahil kailangan nilang sumabak sa long distance relationship. 

Gayunman, taong 2021, nang ikasal ang dalawa sa Northern Ireland kung saan ginanap ang series na "Game of Thrones." Isinagawa sa kanilang wedding ceremony ang tradisyon ng mga Irish na handfasting. 

Ayon kay Glaiza, hindi pa sila nagpapalitan ng singsing dahil gusto nilang maikasal sa simbahan dito sa Pilipinas.