Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng malakihang dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa Pebrero 15.

Pagsapit ng 6:00 ng umaga ng Martes, magtataas ang Pilipinas Shell ng P1.20 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P1.05 sa presyo ng diesel at P0.65 naman sa presyo ng kerosene nito.

Ganito rin ang ipatutupad ng Caltex, Seaoil, Cleanfuel at Petro Gazz.

Idinahilan ng mga kumpanya ng langis, bunsod umano ito ng paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Ito na ang ikapitong linggo na magkakaroon ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo ngayong taon.

Nauna nang ipinatupad ang price adjustment noong Enero 4,11,18,25 , Pebrero 1, at 8 kung saan umabot na sa P9.15 ang itinaas ng diesel, P8.45 sa kerosene at P6.75 naman sa gasolina.

Bella Gamotea