Nanguna sa listahan si Presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa isinagawang Pre-Election Survey sa pagka-pangulo ng Social Weather Stations o SWS noong nakaraang buwan.

Sa isinagawang survey noong Enero 28-31, 2022, nakakuha ng pinakamataas na porsyento ng boto si Marcos na 50%. Sinundan ito ni Vice President Leni Robredo na 19%.

Parehong nakakuha ng 11% sina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao habang anim na porsyento naman si Senador Ping Lacson.

Sa naturang survey, tatlong porsyento ang nananatiling "undecided."

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon