Tutuloy sa SMNI Presidential Debates si Presidential aspirant at labor Leader Leody de Guzman kahit na dadayo raw siya sa home court umano ni Marcos Jr.

"Tutuloy ako sa SMNI debates kahit tila dumadayo ako sa home court ni Marcos Jr.," ani de Guzman.

Matatandaang suportado ni SMNI chairman Pastor Apollo Quiboloy sina Bongbong Marcos at Sara Duterte sa kanilang kandidatura.

“Bilang kandidato, obligasyon kong ilahad ang aking plataporma sa lahat ng botante, kasama ang mga nanlalait sa pagtakbo ng isang labor leader sa pagkapangulo,” aniya pa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Kailangan nilang marinig ang lahat ng panig para sa kanilang mas maayos na pagpapasya sa Mayo,” dagdag pa ng presidential aspirant.

Si Ka-Leody ang nag-iisang presidential aspirant na kakasa sa SMNI Presidential Debate na gaganapin sa Martes, Pebrero 15 sa Okada, Manila.