'My Valentino'

Talagang ramdam na ramdam ng Kapamilya Actress na si Maymay Entrata ang "Araw ng mga Puso." 

Sa kanyang Instagram post ngayong "Araw ng mga Puso," ipinakita niya sa unang pagkakataon ang kanyang non-showbiz boyfriend dahil binati niya ang kanyang "Valentino" para sa kaarawan nito. 

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

screengrab mula sa Instagram post ni Maymay

"Happy Birthday, my Valentino" simpleng caption ni Maymay ngunit umani ng kilig sa mga malalapit na kaibigan sa showbiz.

Ilan sa mga nagkomentong celebrities ay sina Elisse Joson, Angelica Panganiban, Maja Salvador, Mimiyuuuh, Janella Salvador, Sue Ramirez, Chie Filomeno, Kim Chiu, Maris Racal, Liza Soberano, at iba pa.

Trending topic din si Maymay sa Twitter na may 5,649 tweets as of writing.

Nakilala si Maymay Entrata nang sumali ito sa reality show ng ABS-CBN na "Pinoy Big Brother Lucky Season 7" noong 2016.Itinanghalsiya bilang Lucky Big Winner ng naturang season.

Sa PBB din niya naging ka-loveteam ang kapwa housemate na si Edward Barber.

Samantala, kasalukuyang nasa Canada ngayon si Maymay Entrata.