Sinabi ng isang Catholic prelate na malayang pumili ang El Shaddai members ng kanilang kandidato sa May 2022 polls.

Sinabi ni retired Novaliches Bishop Teodoro Bacani, ang spiritual adviser ng grupo, sa mga miyembro na hindi sila "obligadong sundin ang opinyon ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde."

“I do not know exactly if he endorsed these candidates. If he did that is his right but he cannot impose his choice on the El Shaddai prayer partners,” aniya sa kanyang panayam noong Sabado, Pebrero 12.

Ayon sa Lakas-CMD, nitong Sabado, na inendorso ni Velarde ang presidential candidate na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at ang kanyang partner na si vice presidential candidate Sara Duterte. 

Kumalat sa social media ang mga larawan ni Velarde na itinaas niya ang kamay ng tandem sa isang event sa Paranaque.

Bagama't nagulat sa balita, nirerespeto ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang desisyon ng una.Although surprised with the news, Balanga Bishop Ruperto Santos said he respects the decision of the former.

“It is his decision and he has his reason. I respect his decision," aniya.

Matatandaang inendorso ng Catholic charismatic group si Marcos Jr. noong tumakbo siyang bise presidente noong May 2016 polls.

Leslie Ann Aquino