Ibinahagi ng actress-host na si Jolina Magdangal ang mistulang alagang hayop ng kanyang anak na si Vika. 

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang tila 'nakakalokang' moment niya sa kanyang anak. Ipinagtahi niya kasi ng damit ang laruang ipis ni Vika na si "Ipi."

"Anak!!!! Pag malaki ka na, ipapa frame ko ang picture na ito para alam mo kung gaano kita kamahal," ani Jolina.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero talagang iba ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

"'Di ko alam pano ko natapos magtahi ng damit para sa ipis pero dahil buong araw niya ako kinukulit na gawan ko daw ng damit si “IPI”, ayan ang dress (partida may migraine pa ako nyan ha). Napaka sakit sa kamay!" pagbabahagi ng aktres.

"Pero napaka-priceless ng ngiti at kilig mo anak," dagdag pa niya.

Sa nauna pang post, ibinahagi ni Jolina ang isang larawan ng kanyang anak na katabi nito matulog ang alagang ipis. Mayroon pa itong sariling kama at unan. 

"Anak, bakit naman parang may koneksyon kayo ng bago mong paboritong alaga. At talagang may sariling kama at unan pa ha," ani Jolina sa caption.