Pinagtibay ng Sandiganbayan ang ipinataw na walong taong pagkakakulong kina dating Iloilo 2nd District Rep. Judy Syjuco at dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director general for field operations Santiago Yabut, Jr. kaugnay ng kasong graft na nag-ugat sa hindi tamang paggamit ng ₱20 milyong bahagi ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng kongresista noong 2006.

Bukod kina Syjuco at Yabut, inatasan din ng anti-graft court si Tagipusuon Cooperative president Maria Nelia Yniesta na magbayad ng kabuuang₱6.9 milyong civil liability at pinagbawalan na rin silang magtrabaho sa gobyerno.

Paglilinaw ng hukuman, tanging ang motion for reconsideration nina Syjuco at Yabut ang niresolba ng korte.

"After a meticulous review of the records, the Court finds, and so holds, that the grounds raised by the accused have already been considered by the Court when it rendered the decision dated Nov. 12, 2021," katwiran ng Sandiganbayan sa pagbasura sa mosyon nina Syjuco at Yabut.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Kasama rin sa kaso si datingTESDA Director General Augusto Syjuco Jr., Gayunman, ibinasura ang kaso nito matapos bawian ng buhay noong 2020.

Iginiit ng hukuman na matibay ang ebidensya para mahatulan ang mga akusado sa kanilang kaso.

Sa rekord ng korte, sumali ang akusadong si Yniesta, bilang pangulo ng Tagipusuon Cooperative sa mga nasabing opisyal ng pamahalaan upang pumirma sa isangMemorandum of Agreement at tinanggap ang₱20 milyon mula sa TESDA .

Ang pondo ay para sana sa implementasyon ng proyektong pagbili ng mga libro, uniporme, atschool supplies para sa mga estudyante ng elementary at high school students sa ikalawang distrito ng Iloilo.

Binanggit pa ng korte na mali ang paggamit sa naturang pondo at ito ay isang paglabag sa batas.

Idinahilan din ng hukuman ang naging findings ngCommission on Audit (COA) kung saan nasilip ang kuwestiyonablengpaggastos ng nabanggit na pondo.

Czarina Nicole Ong Ki