Hindi makaaapekto sa kaso ni suspected drug lord Kerwin Espinosa ang pagkakatanggal nito sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ).

Paliwanag ni Prosecutor General Benedicto Malcontento nitong Biyernes, Pebrero 11, na gagamitin si Espinosa bilang testigo sa kinasasangkutang kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Matatandaang iniutos na ikulong muna sa National Bureau of Investigation (NBI) si Espinosa matapos itong kasuhan sa mga hukuman sa Maynila at sa Leyte kaugnay ng umano'y pagkakadawit sa bentahan ng droga sa kanilang lugar sa Visayas.

Nilinaw ni Malcontento na hinihintay na lamang nila ang tugon ng korte sa kanilang kahilingan na mailipat si Espinosa sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Pulis-vlogger na viral sa pagpuna kay PBBM, PNP, may mood swing issue<b>—QCPD</b>

Nagpasya ang DOJ na alisin si Espinosa sa kanilang Witness Protection, Security and Benefit Program (WPSBP) dahil sa mga paglabag nito sa mga patakaran sa loob ng detention facility ng NBI.

Jeffrey Damicog