Isang motorcade ang isasagawa ng political party na Partido Federal ng Pilipinas sa Taguig City sa Pebrero 13.

Sa inilabas na abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Taguig City sa darating na Linggo sa ganap na alas 5:00 ng madaling araw hanggang 10:00 ng umaga.

Ang ruta ng motorcade ay sa Bantayan Road,kakaliwa sa Cayetano Blvd., U-turn sa Hafele (Ususan), kanan sa ML Quezon St. dadaanan nito ang City Hall, Brgy. Tuktukan hanggang sa Lower Bicutan, kakanan sa  DOST-PAE, kanan muli sa Chavez St., kaliwa sa Osano Park-Watsons (A. Bonifacio St) , kanan sa  Cucumber Road, diretso sa Ballecer St., kaliwa sa Miranda St., kakanan sa Rongo St., kaliwa sa MRT Ave., diretso sa C5-Water Fun, kakanan sa C5 service Road, Pinagsama hanggang sa Petron Diego Silang, at magmula sa Levi Mariano hanggang sa Ususan hanggang Pateros at mula sa Makati, C5 hanggang Pembo area.

Ang mga apektadong motorista ay inaabisuhang dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bella Gamotea