“Mga bhie, Hermes boxes pala!”

Viral sa Facebook ang screengrab ng isang comment sa Tiktok video ni Kapuso fashion socialite Heart Evangelista kung saan tinanong ng isang netizen kung 'kojic soap' ba ang tila parisukat at kulay kahel na bagay na makikita sa likuran ng aktres.

Ang kojic soap o kojic acid soap ay patok na pampapaputi, pantanggal-tigyawat, at pampakinis ng balat sa mga Pinoy.

Karaniwan kulay orange o kahel ang kojic soap kaya’t nang mapansin ng isang netizen sa isang Tiktok video ni Heart, walang patumpik-tumpik na tinanong nito ang aktres.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Kojic ba yung nasa taas[?]” tanong ng netizen na tinugunan naman ni Heart ng “Hermes boxes.”

Screengrab mula sa viral Facebook post ni Mike Grande

Instant viral agad ang post ni Mike Grande na umani ng nakakaaliw na komento sa Facebook.

“Yung akala mo makaka relate kana sa wakas kay heart tapos hinampas padin tayo ng katotohanan na ang poor natin.??” komento ng isang netizen.

“Kunyari ka pa, Heart. Hinihiwa mo din yang mga Hermès boxes na parang sa Kojic para mag mukhang marami.?” nakakaaliw na segunda ng isa pa.

“Nilamon ka nnmn ng kahirapan???.”

“Pasensya ka na samin Ms. Heart hahahaha”

“Napa-search tuloy ako kung ano yung hermes hahaha????

“HHAHAHAHAH kit mga yan pinoproblema ng sambayanang pilipino HHAHAHAHAHA pilipinas nga naman”

Sa pag-uulat, tumabo na ng higit 25,000 reactions at shares ang Facebook post dalawang araw mula nang maibahagi ito sa publiko. Samantala, hindi na makikita ang eksaktong video sa Tiktok account ni Heart.