Namahagi ang Pasig City local government ng financial incentives at assistant sa 31 scholars at board exam takers ng lungsod noong Huwebes, Pebrero 10.
Ang 13 cum laude graduates ay nakatanggap ng P20,000, habang P25,000 naman sa isang magna cum laude.
Ang mga nakatanggap ng incentives ay scholar ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Pasig City Scholarship Program (PCSG).
17 board exam takers naman ang binigyan ng tig-P10,000 upang makatulong sa mga gastusin para sa mga review programs at exam application fees.
Karamihan sa mga benepisyaryo, na residente ng lungsod, ay kukuha ng Criminology Licensure Exam (CLE) at Nursing Licensure Exam (NLE) ngayong taon.
Binigyang-diin ni Pasig City Mayor Vico Sotto na ang edukasyon ay dapat na ituring prayoridad.
“Ang pera na inilaan natin para sa edukasyon, hindi po yun gastos. Hindi gastos ang bawat pisong ginagamit natin para sa edukasyon, para sa mga mag-aaral natin. Hindi po ito gastos, bagkus ito po ay investment natin sa susunod na henerasyon ng mga Pasigueño," ani Sotto.