Tinatayang aabot sa ₱9.6 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam ng pulisya sa isang buy-bust operation na ikinaaresto ng dalawang suspek sa San Miguel, Bulacan, nitong Pebrero 10.
Sa report na natanggap ni Col. Rommel J. Ochave, acting Bulacan police director, nakilala ang dalawang suspek na sina Dexter Asban, taga-Barangay Caingin, Malolos City, Bulacan at Jomerson Macusi, taga-Tabang, Guiguinto.
Sinabi ni Ochave, ang dalawa ay inaresto ng mga tauhan ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) sa isang inuupahang apartment sa Brgy. Paliwasan, San Miguel, Bulacan, dakong 12:30 ng madaling araw.
Aabot sa 80 kilo ng marijuana ang nasamsam sa operasyon. Nahaharap na ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Freddie Velez