Walong highly urbanized na lungsod sa Luzon ang nakitaan ng downtrend sa mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19), sinabi ng OCTA Research Group nitong Miyerkules, Peb. 9.

“Downward trends [were] observed in Angeles, Baguio City, Dagupan, Lucena, Naga City, Olongapo, Puerto Princesa, and Santiago,” sabi ni OCTA fellow Dr. Guido David sa isang Twitter update.

Larawan mula Dr. Guido David via Twitter

Sigaw ni Sen. Risa: 'Mananagot ka, Apollo Quiboloy!'

Nabanggit niya na ang Puerto Princesa City at Baguio City ay inuri bilang "high risk" habang ang Angeles, Dagupan, Lucena, Naga, Olongapo, at Santiago ay nanatiling nasa "moderate risk."

Bagama't bumuti ang COVID trends sa walong lungsod, pinayuhan pa rin ni David ang publiko na patuloy na sundin ang mga health protocol upang maiwasan ang pagbaliktad ng trend.

Bukod dito, naobserbahan ng OCTA ang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID sa Metro Manila.

Ang Metro Manila noong Martes, Peb. 8, ay nakapagtala ng 689 na bagong kaso ng COVID.

“This is a bit higher than our expected 500 to 600 [cases on Tuesday]. This is also 19 percent of the national total,” aniya.

Gayunapaman, sinabi pa rin nitong, “this is still tracking below our January 20 projections.”

Ellalyn De Vera-Ruiz