Nadakip ng Parañaque City Police ang isang Malaysian national at isang Pilipinong kasabwat dahil sa pagpapanggap na process servers ng Parañaque City Regional Trial Court (RTC) nitong Pebrero 7. 

Ang mga suspek ay kinilalang sina Owi Jee Hao, 32, isang Malaysian national, HR Manager ng Billions of Dragons Company at residente sa Avida Tower, Alabang, Muntinlupa City at Lorenz Vicedo, 26, HR personnel ng Billions Dragons Company,nakatira sa Luzon St., Alabang, Muntinlupa City.

Sa ulat na natanggap ni City Police Chief Col. Maximo Sebastian Jr. na dumating ang dalawang suspek sa Parañaque City Police Headquarters at nagpanggap na process servers ng RTC dala ang Release Order na may petsang Enero 2, 2022 sa kasong kidnapping nina Han Xun, Cen Shaku aat Shen Fa. 

Natuklasan ng awtoridad matapos ang beripikasyon na peke ang naturang Release Order na dala nina Hao at Vicedo na sanhi ng kanilang agarang pagkakaaresto.

National

China, walang natanggap na asylum application sa kampo ni FPRRD

Sasampahan ang dalawang suspek ng kasong Falsification of Public Documents and Usurpation of Authority sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Parañaque Prosecutors Office.

"Let this serve as a warning to all pretending to be a person of authority, representing a department or agency in the Philippine government is a serious crime punishable by law. Kaya't huwag niyo nang tangkain pa dahil hindi natin ito palalagpasin, we will enforce the law without exception," pahayag ni SPD Director, Brig. General Jimili Macaraeg.

Bella Gamotea