Ibinahagi ng bandang 'Plethora' ang ilang mga kuhang 'behind-the-scenes' sa kanilang technical rehearsal na ginanap sa Philippine Arena nitong Lunes, Pebrero 7, 2022, para sa proclamation rally ng UniTeam na pinamumunuan nina dating Senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.
Bukod kay ABS-CBN host-actress-vlogger Toni Gonzaga na siyang host ng naturang proclamation rally, naispatan din sa technical rehearsal ang ilang mga OPM icon na sina Randy Santiago, mag-asawang Robert Seña at Isay Alvarez, at ang Cebuana singer na si Dulce. At syempre, kakanta rin at buo ang suporta ng bandang Plethora.
"Kasama ang mga Legend Singers para sa BBM-SARA UNITEAM Proclamation Rally @ Philippine Arena," saad sa kanilang caption kalakip ang kani-kanilang mga litrato.
Ang Plethora band ay binubuo nina Jesser Pello, Aldrin at Andrew Isaguire, at LJ Herrera.
Bukod sa mga ka-selfie ng Plethora, present din umano ang mga mang-aawit na sina Richard Reynoso, Wency Cornejo, at Imelda Papin. Naroon din ang sexy star na si Ynez Veneracion.
How true na pupunta rin sa proclamation rally sina Gladys Reyes, Sherilyn Reyes, Elizabeth Orpesa, Arnel Ignacio, Dawn Zulueta, Karla Estrada
Angelica Dela Cruz, Raymond Bagatsing, Jackylyn Jose, Katrina Halili, at Ai Ai Delas Alas?