Ang mga Kakampink celebrities na sina Agot Isidro at Cherry Pie Picache, ay ang tumayong hosts ng programa para kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa Angat Buhay Village, Naga City, ngayong umaga ng Pebrero 8, 2022.

Hindi pa man naghahain ng kaniyang certificate of candidacy at pormal na pinoproklama ang pagtakbo ni VP Leni, isa na sa mga masusugid na tagasuporta ng bise presidente si Agot. Hayagan niyang ipinapahayag ang papuri at pagsuporta kay VP Leni sa kaniyang social media accounts, at nakikipagdiskusyunan at sumasagot sa mga basher at hater na bumabatikos o pumupuna sa kaniya.

Hinandugan pa ni Agot ng awiting 'With a Smile' ang mga Kakampink na dumalo sa proclamation rally.

Si Cherry Pie naman, kasama ang kaniyang boyfriend na si Edu Manzano, ay matibay rin ang pagsuporta kay VP Leni para sa kandidatura nito sa pagkapangulo.

Doc Willie Ong, na-touch sa mensahe ni VP Sara sa kaniya

Kasama rin sa mga nanguna sa programa si Senador Bam Aquino na nagpasalamat sa mga volunteers na nagset-up ng kanilang entablado para sa proklamasyon.

"Maraming salamat sa ating mga Volunteers!" pasasalamat ni Senador Bam sa kaniyang Facebook post.

Screengrab mula sa FB/Bam Aquino

Samantala, ang pormal na proclamation rally ay magaganap naman sa Plaza Quezon, Naga City, mamayang 5:30PM.