Grabehan ang pa-abs ni Kapamilya actor Enchong Dee sa kaniyang Instagram post kung saan naka-topless, nakaupo, at nakasuot ng shades.

Ibinahagi ni Enchong ang sikreto ng 'yummy' niyang katawan: na kombinasyon daw ng masusustansyang pagkain, tama at sapat na tulog, pagpapaaraw, maraming tubig, at paggamit ng ineendorsong award-winning wellness brand.

"A combo of Eating Healthy, Getting enough sleep, Some Sun, lots of water, Exercise," saad niya sa kaniyang caption.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Screengrab mula sa IG/Enchong Dee

Sunod-sunod na ang mga IG post ni Enchong simula nang makapagpiyansa siya sa kusang pagsuko sa National Bureau of Investigation o NBI kaugnay ng kasong cyber libel case na isinampa sa kaniya ni DUMPER party-list representative Claudine Bautista-Lim dahil sa kaniyang malisyoso umanong tweet laban sa naging kasal nito.

Ibinahagi ni Enchong sa kaniyang Instagram ang opisyal na pahayag ng kaniyang legal counsels. Nagpakita ng suporta sa kaniya ang mga kasamahan sa industriya at nakasama sa proyekto gaya nina Angel Locsin, Mylene Dizon, Eula Valdez, Erich Gonzales, Cherry Pie Picache, Jasmine Curtis-Smith, Ria Atayde, at marami pang iba.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/01/kampo-ni-enchong-nagbigay-ng-opisyal-na-pahayag-kaugnay-ng-₱1b-cyber-libel-case/

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/01/enchong-dee-nakapagpiyansa-at-nakalaya-matapos-kusang-sumuko-sa-nbi/

Pagkatapos nito ay back to work na kaagad si Enchong at ginawa ang mga hosting commitments niya sa Kapamilya Network. Isa na riyan ang pagpe-perform at pakiki-party sa longest at award-winning musical variety show ng ABS-CBN at ng buong bansa na 'ASAP Natin 'To'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/01/enchong-masayang-bumati-sa-chinese-new-year-nag-promote-ng-show/

"27 years of partying with @asapofficial," ayon sa kaniyang caption.

"I’m so blessed to be surrounded by good, kind-hearted, and hardworking people in this industry. Hanggang kaya kong mag-perform, I will support this family."

Screengrab mula sa IG/Enchong Dee

Andrea Brillantes, Enchong Dee, Kyle Echarri, AC Bonifacio, at Darren Espanto (Screengrab mula sa IG/Enchong Dee)

"Happy Anniversary sa ating lahat! Maraming Salamat sa inyo…Kayo ang dahilan kung bakit hanggang ngayon andito kami," sey pa ng Kapamilya actor.