Hindimakaaapektosa eleksyon sa Mayo 9 ang delay o pagkakaantala sa pagpapalabas ng listahan ng mga botante simula Pebrero 8 hanggang Marso 29, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa Laging Handa public briefing, ipinaliwanag ni Comelec Director Elaiza David na ang pagkaantala nang paglalabas ng listahan ng mga botante ay bunsod ngpaglilinis sa mga double o multiple registrations, gayundin sa mga namatay na botante.

“Hindi naman po,” tugon pa ni David nang matanong kung ang naturang delay ay maaaring magdulot ng problema sa halalan.

“Dumadaan din ‘yun sa proseso ng paglilinis, especially ‘yung ating mga double or multiple registration. So inaalis lahat ‘yun pati na rin yung mga namayapa na voters,. So kailangang lang linisin ‘yun kaya kinakailangan na ma-delay din ‘yung paglabas ng voters list.”

Noong nakaraang Disyembre 20, mahigit na sa 65.7 milyon ang naitalang botante.

Sinabi naman ni David na karamihan sa mga ito ay kabilang sa 39-59-age group.

Mary Ann Santiago