Matapos ang bulung-bulungan ng hiwalayan nila ng mister na si Tom Rodriguez, naglabas ng bagong vlog si Kapuso star Carla Abellana noong Pebrero 5, 2022, tampok ang pagpapalagay nila ng tattoo ng kaniyang kapatid na babae.

Ayon sa caption ng aktres, matagal na nilang gustong magpa-tattoo, kaya nga lamang, napurnada ito dahil sa pandemya. Ngayong medyo maluwag-luwag na ang alert level, nai-push na nila ang matagal na balak.

"My Sister and I have been wanting to get new tattoos since before the pandemic so we're glad that somehow we managed to finally get it done," ayon sa caption ng kaniyang vlog.

Metro

Maynila, nakatanggap ng 235 units ng TV at ₱30M halaga ng medical instruments mula sa ICTSI

Carla Abellana (Screengrab mula sa YT)

"Of course we took extra precaution by swab testing the artists first, having our tattoos done at home in an outdoor well-ventilated area, and keeping our distance from them as much as possible. Good thing they're all fully vaccinated as well! We're so happy with the results!"

Ang tattoo ni Carla ay isang maliit na puso sa likod ng kaniyang kaliwang tenga. Natuwa naman ang mga tagahanga ni Carla at ng kaniyang mister na si Tom. Nagpahatid din sila ng mga mensahe na sana raw ay maayos ang relasyon ng TomCar, at kung nagkalabuan man, sana raw ay napag-usapan na nila.

"Tom and Carla avid fan here, hoping and praying everything will be fine."

"God bless you both Tom and Carla. I’m always praying that you and Tom will reconcile soon."

"I have been a fan of you since 2009 and your team up with Kuya Tom since 2014. Since then your love team has become my source of happiness, in fact, I have won some of my silent battles by simply watching your teleseries, movies, shows, interviews, and vlogs. I can't thank God enough that you two have existed because the joy you have brought to my life is simply immeasurable. Truthfully, with what's going on lately, I'm beginning to feel anxious and scared of the future, thinking of the possibility that I may never be able to see both of you together again. The thought of it is extremely painful, it is a type of pain that even my body can feel. But I guess, I just have to live with it and be grateful for the genuine happiness I felt because of the two of you."

"I’m glad you’re back to your blog, I’ve heard a lot of news about you and your hubby, I hope they’re not true (fake news, right?). Take care of yourself, love you and Tom, keep the love alive and on fire."

"Thank you for sharing this with us! Please know that there's a battalion of people who're praying for you and Kuya Tom. I hope none of you won't give up on each other."

Ngunit hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ng mga Marites na tila may nawawala sa vlog ni Carla.

Bukod sa wala ni anino ni Tom Rodriguez sa vlog, napansin din ng mga netizen na hindi suot ni Carla ang kaniyang wedding ring.

Carla Abellana (Screengrab mula sa YT)

Carla Abellana (Screengrab mula sa YT)

Carla Abellana (Screengrab mula sa YT)

Carla Abellana (Screengrab mula sa YT)

Carla Abellana (Screengrab mula sa YT)

Sa latest Instagram stories din ni Carla noong Pebrero 6, 2022, kapansin-pansin din na wala siyang suot na wedding ring.

Sa mga dating vlogs ni Carla kung saan hindi pa pumuputok ang balitang nagkakalabuan na sila ni Tom, mapapansin na suot nito ang wedding ring, kahit na minsan ay soloista lamang ang aktres sa vlog, ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP.

Eagle-eyed fan spots Carla Abellana without wedding ring in new vlog
Tom Rodriguez at Carla Abellana (Larawan mula sa PEP)

Kaya naman muli na namang napatanong ang mga Marites kung on the rocks na nga ba umano ang relasyon ng mag-asawang kakakasal lamang noong Oktubre 2021.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/27/nakaaantig-na-wedding-vows-nina-tom-at-carla-kinakiligan-ng-mga-netizens/

Pumutok ang balita tungkol dito nang mapansin kasi ng mga netizen na nag-unfollow si Tom sa Instagram account ni Carla. Ganoon kasi umano ang kalakaran kapag may naghihiwalay na showbiz couple.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/25/tom-in-unfollow-si-carla-sa-instagram-kapuso-couple-hiwalay-na-nga-ba/

Sa isang entertainment portal, ilang showbiz insider ang nagsabing naging pagsubok umano sa dalawa ang kanilang madalas na hindi pagkakaintindihan ilang buwan lang matapos maging misis at mister.

Lumutang pa sa mga blind item ang tungkol dito, at nadawit pa ang isang beauty queen-turned-actress na umano ay naging malapit kay Tom dahil sa kanilang serye. Tinalakay pa ito ni Cristy Fermin sa kaniyang radio program na 'Cristy Ferminute'. Dito na lumutang ang pangalan ni Kelley Day.

Sa isang Instagram story, agad na umalma si Kelley at sinabi niya sa pamamagitan din ng blind item na wala siyang kinalaman sa rumored breakup ng isang showbiz couple.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/27/kelley-day-itinanggi-ang-pagkakadawit-sa-tom-carla-breakup-rumor/

Game na pinatulan na rin ng mommy ni Kelley na si Lenie Day ang mga 'Marites' na patuloy na umiintriga at bumabatikos sa kaniyang anak, kahit na nagpaliwanag pa ito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/31/nanay-ni-kelley-day-rumesbak-sa-marites-grabe-ka-din-mag-judge-teacher-po-ba-kayo/

Nitong Enero 29 ay napabalita rin dito sa Balita Online na muli nang nagka-follow sa isa't isa sina Tom at Carla.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/29/tom-naka-follow-na-ulit-kay-carla-nag-away-ba-talaga-o-nagpa-miss-lang-sa-isat-isa/

"Anyway, nag-followan na ngayon sa kani-kanilang IG sina Carla at si Tom, baka ito na ang umpisa ng kanilang pag-uusap. Baka kasi nagpapahinga lang yung dalawa!" komento naman ni Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog.

Hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung talaga bang nagkalabuan lang sila o nagpa-miss lang sila sa isa't isa.

May mga lumabas din kasing chika na kaya rin daw inunfollow ni Tom si Carla ay para hindi niya ito ma-miss habang nasa lock-in taping. Kakakasal nga naman kasi nilang dalawa, at kung tutuusin ay nasa honeymoon stage pa sila, tapos malalayo sila sa isa't isa dahil abala sila sa kani-kanilang mga proyekto sa Kapuso Network.