Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Ate Mrena sa latest episode ng entertainment vlog na 'Ogie Diaz Showbiz Update' ang kumpirmadong hiwalayan nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Matatandaang kinumpirma ni Barbie ang mga bulung-bulungang hiwalay na sila ng nobyong si Diego Loyzaga, sa panayam sa kaniya ng TV Patrol noong Biyernes, Pebrero 5. Aniya, pakiramdam daw niya ay nasa kaniya ang mali mula sa mga nakaraang naging relasyon, kaya 'self-love' muna ang uunahin ngayon ng Kapamilya actress.

Ngunit ayon umano sa source ni Ogie, parang medyo nakakasakal daw na karelasyon ang aktres. Aniya, noong nasa Pilipinas pa si Diego, lagi raw nakatambay si Barbie sa bahay ng ex-jowa at parang lagi umanong binabantayan.

At ang nakakaloka, ang ina raw ni Diego na si Teresa Loyzaga ay 'natalakan' nang very, very light si Barbie, sey ni Ogie.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Iha, wala ka bang ibang gagawin, baka may iba ka pang trabaho… parang gano’n. So in short, parang gusto na siyang pauwiin. Kasi nga nandoon sa…. nakababad sa bahay nila,” ispluk ni Ogie na sey raw ni Teresa kay Barbie. How true??

Sa kabilang banda ay pinagtanggol naman din ni Ogie si Barbie, na baka ganoon lamang daw magmahal ang aktres. 'All mine to give' raw.

Sang-ayon naman sina Mama Loi at Ogie sa pahayag ni Barbie na magmahal at magtira para sa sarili.

"Tama naman ang naging desisyon ni Barbie. Mahalin niya yung sarili niya. Ang importante lang, natanggap na niya yung nangyaring hiwalayan sa kanila ni Diego. At ngayon ay naka-move on na siya, looking forward na siya, kaya Barbie ha, tuparin mo 'yang sinabi mo sa sarili mo," saad pa ni Ogie.

Samantala, wala pang sey si Teresa Loyzaga kung totoo ba ang na-ispluk ni Ogie.