Sa paglabas ng balitang hiwalay na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga, usap-usapan naman ng mga Marites ang video ni 'Pambasang Lalaking Marites' na si Xian Gaza tungkol sa umano'y detalye kung kailan, bakit, at paano naghiwalay ang mag-jowa.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/05/xian-may-pasabog-na-naman-paano-nagtapos-sina-barbie-at-diego/

Chika ni Xian sa video, noong Disyembre raw na bago lumipad si Diego patungong US, nag-away umano sila ni Barbie sa bahay nang malala. Ayaw daw umanong payagan ni Barbie ang ex-jowa na magtungo ito sa Amerika dahil 'fragile' na umano ang kanilang relasyon, at baka ito na raw ang tuluyang tutuldok dito.

Naramdaman na umano ito ni Barbie. Kaya todo-pigil umano ang Kapamilya actress kay Diego na huwag siyang iwanan at sumama sa kaniyang pamilya sa States. Sa pagkakataong ito ay mega-iyak naman kunwari si Xian.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Pagkaraan ay inamin niya kay Barbie ang dahilan kung bakit 'ginugulo' niya ang buhay nito. Mukhang bet umano ni Xian si Barbie noon pa man! Ipinakita niya ang screengrab ng pribadong mensahe niya kay Barbie.

"Dear Barbie, Alam mo ba kung bakit paborito kong guluhin ang buhay mo? Kasi may gusto ako sa'yo. Goal ko talaga na magkahiwalay kayo ni Diego. Hindi mo deserve ang isang lalaking mama's boy at palaging nahingi ng pera sa ama. Ika nga sa Lumang Tipan, 'you deserve better'. Alam ko na hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa 'yo for the last three months kaya ako'y kinasusuklaman mo," aniya.

May be an image of text
Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Subalit ano kaya ang tugon dito ni Barbie ngayong single na siya ulit, at ang pagtutuunan ng pansin muna ay ang 'self-love' na hindi raw niya nagawa noon sa mga dati niyang relasyon?