Inanunsyo ng Valenzuela City government nitong Linggo, Pebrero 6, na magbubukas sila ng dalawang COVID-19 vaccination sites para sa mga batang may edad 5 hanggang 11 na magsisimula sa Lunes, Pebrero 7.

Ang mga vaccination sites ay Pasolo Elementary School para sa unang distrito at Malinta Elementary School para sa ikalawang distrito.

Maaaring ipalista ng mga magulang ang kanilang anak para sa vaccination sa pamamagitan ng valtrace.appcase.net. Matapos ang registration, magbibigay ng vaccination details ang "VCVax" staff sa pamamagitan ng text o tawag.

Sinabi ng local government na "by appointment" lamang ang pagbabakuna at dalawang magulang o guardian lamang ang maaaring sumama sa mga bata.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ayon sa city government, ang mga magulang na sasama sa anak ay dapat magpresenta ng original o certified true copy ng birth certificate ng kanilang anak at identification card o kahit anong opisyal na dokumento na nagpapakita ng katibayan ng relasyon sa bata.