Ibinahagi ni Miss Universe Philipinnes 2020 at Kapuso actress Rabiya Mateo ang litrato nila ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa kaniyang Instagram story, nang magkita sila sa isang lugar na hindi na nabanggit kung saan.

Bukod sa parehong namumukod-tangi ang byuti ng bawat isa, mas nakakuha at nakapukaw ng atensyon ang inilagay na text caption dito ng beauty queen.

Inisa-isa ni Rabiya ang mga pagkakatulad nila ni Bea.

"What do I and Bea have in common?" saad ni Rabiya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang pagkakapareho daw nila ay pareho silang nanalo sa Miss Universe Philippines, pareho silang taga-Visayas, at pareho raw silang 'Lotlot De Leon' pagdating sa love life, dahil pareho nilang winakasan ang pitong taong relasyon sa kanilang mga partner.

Rabiya Mateo at Beatrice Gomez (Larawan mula sa IG/Rabiya Mateo)

Noong Hunyo, inamin nina Rabiya at ex-jowa na si Neil Salvacion na hiwalay na sila.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/06/05/break-na-bf-ni-rabiya-mateo-kinumpirmang-hiwalay-na-sila/

Sabi naman ni Rabiya, kahit na naghiwalay na sila ng landas ni Neil ay mananatili pa rin siyang kaibigan para dito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/20/rabiya-mateo-available-as-a-friend-na-lang-kay-neil-salvacion/

Hindi itinago ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez na isa siyang miyembro ng LGBTQIA+ community at may jowa siyag same sex na si Kate Jagdon. Matapos manalo sa MUP pageant ay naghiwalay rin sila ng partner niya na nakarelasyon sa loob ng 6 na taon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/23/sumpa-ng-crown-miss-universe-ph-2021-beatrice-gomez-kate-jagdon-hiwalay-na/