Sa kabila ng disclaimer na hindi “political content” ang ikalawang episode ng “Kape Chronicles” tampok si Senadora Imee Marcos, umani pa rin ito ng sari-saring reaksyon mula sa parehong tagasuporta nina Presidential aspirants Ferdinant “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Leni Robredo.
Trending topic sa Twitter nitong gabi ng Linggo ang “#Lutanglenlen” at “Imee” ilang oras lang matapos i-upload ang naturang video na likha ng direktor na si Darryl Yap.
Parehong mga tagasuporta ni Robredo at Marcos Jr. ang gumagamit ng hashtag.
Tumabo na sa halos 1.5 million views ang naturang episode ng Kape Chronicles siyam na oras matapos ito ilabas sa Facebook page ng VinCentiments.