‘YOU ARE STILL THE BEST EVEN AT YOUR WEAKEST ❤❤❤’

Isang nakakaantig na kwento ng pag-ibig na hindi nahadlangan ni ng kamatayan ang ibinahagi ng isang netizen sa kanyang social media account.

Sa Facebook post ni Jayr Atablanco, ipinasilip nito sa publiko ang nalalabing oras ng kanyang asawa na si Kimberly Atablanco bago ito pumanaw.

Hindi na napigilan ang luha ni Jayr habang hine-hele nito ang kanyang asawa sa duyan habang sumasabay sa saliw ng isang tugtugin.

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

Nobyembre 28, 2021, nang pumanaw si Kimberly, tatlong buwan lamang nang isilang nito ang kanilang anak ni Jayr ngunit kahit na may sakit na si Kimberly ay kapakanan pa rin ng asawa nito at kanilang anak ang iniisip nito.

Sinabi pa ni Kimberly na magiging masaya ang kaarawan ni Jayr dahil kung aabot siya dito, ipaghahanda niya ang kanyang asawa ng lechon.

“Sabi mo na bago ka bumigay at kung aabot ka pa sa January, paghahandaan mo ako ng lechon sa birthday ko. Wow ka talaga. Kahit hirap na, nag-iisip ka pa rin ng special para sa akin."

“Kahit na kunting oras lang tayong nagsama sa mundo, certainly you’re my soulmate.”

Malungkot man ay piniling magpatuloy ni Jayr para sa anak nila ni Kimberly.

Aniya, “Lets face this world hand in hand.”

Hinihiling ni Jayr na magkaroon ng “visiting hours” ang langit upang makausap nito ang kanyang asawa kahit isang beses kada linggo.

“Nahihirapan ako sa nararamdaman ko ngayon, dahil miss na miss kita. I wish that heaven had visiting hours. Kahit once a week lang mayakap at makausap kita,” malungkot na hiling ng biyudong si Jayr.

Pumanaw sa sakit na Acute myeloid leukemia (AML) si Kimberly. Ito ay isang uri ng kanser sa dugo. Nagsisimula ito sa bone marrow, ang malambot na panloob na bahagi ng mga buto.

Sa mga talamak na uri ng leukemia gaya ng AML, ang mga cells ng bone marrow ay hindi lumalaki sa paraang nararapat. Ang mga immature cell na ito, na tinatawag na blasts, ay nabubuo sa katawan ng may sakit.

Walang paraan upang maiwasan ang AML, ngunit maaari mong bawasan ang panganib sa pamamagitan ng hindi paninigarilyo at paglilimita sa iyong pakikipag-ugnay sa mga kemikal.