Umagaw ng atensyon ang kamakailang social media post ng fashion icon at Kapuso darling Heart Evangelista tampok ang isang Chanel birthday candle bilang pag-welcome ng aktres sa kanyang birth month ngayong Pebrero.

Kilala ang fashion socialite na si Heart sa kanyang magarbong fashion taste. Sa katunayan, trending ang kanyang naging mga awarahan sa nagtapos na Paris Fashion Week 2022 kamakailan. Isa lang naman siya sa mga piling personalidad sa mundo na nakapagsuot ng ilang mamahaling brands at naimbitahan sa mga eksklusibong fashion show sa "Fashion Capital of the Western World,” ang Paris.

Sa kanyang post nitong Pebrero 1 sa iba't ibang social media platfroms, hindi na naman maiwasang magkomento ng netizens sa tampok na luxury candle ng aktres. Sinalubong kasi ni Heart ang buwan ng isang larawan hawak ang Chanel birthday candles.

Basahin: ‘Di kinaya ng netizens! Luxury candle ni Heart, umani ng nakakaaliw na comments – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Taray ng kandila mas mahal pa sa cake," komento ng isang netizen.

“Sinampal mo na naman ako ng kahirapan. Pati kandila, Chanel,” segunda ng isa pa.

“Mas mahal yung kandila kesa sa lahat ng mga handa ko," nakakaaliw na komento ng isa pang netizen.

Ang “very rare” na Chanel Factory 5 Birthday Candles ay pumapatak mula P1,500 hanggang P3,000. Sa Poshmark, ang "luxury candle" ay nagkakahalaga ng P2,560 habang nasa P1,731.02 naman mabibili ang kandila saEbay shop. Samantala, kasama na ang cake topper, mas murang mabibili ito sa Carrousel sa halagang P1,521.32.

Magdiriwang ng kanyang ika-37 na kaarawan si Heart sa darating na Pebrero 14.

Nitong Biyernes, Pebrero 5, kinumpirma ni Heart na bibida siya sa isang Hollywood series na mapapanood sa streaming giant Netflix.

Basahin: Kapuso actress Heart Evangelista, kumpirmadong bibida sa isang Hollywood series – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid