Sa panibagong Facebook post, sumagot ang asawa ni Manila Mayor Isko Moreno na si Dynee Domagoso sa kanyang mga bashers matapos ang kanyang pahayag tungkol sa internet connection issue.

"Thank you for making me famous!" saad ni Domagoso nitong Linggo, Enero 6.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

"While you are busy attacking me, I'm busy gaining supporters," dagdag pa niya. 

May kalakip din itong mga hashtag na: #IskoParaMaiba, #KayIskoPosible, at #IkawNaISKO.

Noong Biyernes, Pebrero 4, sa kanya ring Facebook post sinabi niyang kung ang internet nga ay hindi maayos [ng isang kandidato] paano pa umano aayusin ang bansa.

“Internet nga hindi maayos, bansa pa kaya. Kumbaga sa class reporting, preparedness is the key para ? [100] ang grade," aniya kaya't umani ito ng batikos mula sa mga "kakampinks" o sa mga sumusuporta kay Robredo dahil naniniwala silang patama ito sa bise presidente.

Basahin ang buong ulat:https://balita.net.ph/2022/02/05/dynee-domagoso-may-patutsada-internet-nga-hindi-maayos-bansa-pa-kaya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/05/dynee-domagoso-may-patutsada-internet-nga-hindi-maayos-bansa-pa-kaya/

Samantala, rumesbak ang aktres na si Rita Avila tungkol sa naging pahayag ni Domagoso.

“Mrs. D, feeling 1stlady na? Very troll naman. Ang baduy makipag-away k[ay] VP Leni. Dumb argument. Sorry,” walang prenong saad ni Rita.

Basahin ang buong ulat:https://balita.net.ph/2022/02/06/rita-avila-nahiya-sa-umanoy-patutsada-ng-misis-ni-isko-kay-robredo-her-argument-is-dumb/