Ikinawindang ng mga netizen na nakapanood sa February 3 episode ng radio program/digital entertainment show na 'Cristy Ferminute' nina Cristy Fermin at Romel Chika ang hindi sinasadyang pagkakabanggit ng batikang showbiz columnist sa first name ng isang sikat na sikat na aktor, pagkatapos talakayin ang isang blind item.

Ang pamagat ng blind item ay 'Hu U: Hunk actor na pinagdududahang beki, buking.'

Cristy Fermin at Romel Chika (Screengrab mula sa YT/Cristy Ferminute)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

'Okay heto na po, I'm sure mamumula ang hasang ninyo sa blind item na ito," chika ni Cristy.

At dito na nga idinetalye ng showbiz columnist ang tungkol sa hunk actor na matagal na umanong napapabalitang 'beki' subalit halos matanggal na raw ang ulo nito sa leeg sa kade-deny tungkol dito. Habang ginagawa ito ay isinisingit naman ni Cristy ang pagbabasa ng mga text messages sa kaniya na para bang hinuhulaan na ang kaniyang blind item.

"Meron siyang hindi puwedeng hindi papaniwalain tungkol sa kaniyang gender, isang grupo ito ng mga lalaking matitikas, na ang tawag sa kanila ay lipad, kaya lipad ay dahil sila ay mga flight steward, oh 'di ba mga gwapo ito, mga gwapo ito," pagbabahagi ni Cristy.

Sa isang pagbiyahe raw ng hunk actor ay kinuha umano nito ang numero ng cellphone ng isang guwapong flight steward. Mismong si hunk actor daw ang nagtanong at humingi sa numero nito. Siya rin daw ang unang nag-text at nagparamdam sa flight steward. Pag-uwi umano ni hunk actor sa Pilipinas ay nagkita sila nito.

Ayon daw sa source ni Cristy, paano raw ba hindi mabubuking ang hunk actor ay kung magpadala umano ng love note sa guwapong flight steward, ay isinusulat sa sariling stationary na may nakalimbag na pangalan niya.

"Paano mo nga naman maikakaila 'yun. 'di ba?" saad ni Cristy.

Nang sikat na sikat na raw ang hunk actor, may nakarelasyon umano itong isang male personality.

"Isang clue lang po ang sasabihin ko, pero sigurado akong para kayong isdang sariwang-sariwa ang mata at red na red ang inyong mga grills, ang inyong mga hasang," wika pa ni Cristy.

Ang naka-'Julie Andrews' o nakahuli umano sa namamagitan umano sa hunk actor at male personality ay ang babaeng ipinopronta umano ng hunk actor na girlfriend niya. Maya-maya ay nagbasa na naman ang showbiz columnist ng mga text messages mula sa kaniyang cellphone. Marami umano ang nakahula sa kaniyang blind item.

Sa bandang dulo ng kanilang show ay may pahabol pang pagbasa ng text message si Cristy mula sa isang tagasubaybay, ngunit sa pagkakataong ito ay nasambit niya ang isang panlalaking first name. Tila shookt na shookt si Romel Chika gayundin mismo ang showbiz columnist. Tila nadulas si Cristy at nasambit ang pangalang nagsisimula sa letrang 'P'.

"Hala! Ano ba 'tong nasabi ko, bakit ko nasabi yung pangalan? Ito ang masama eh… kasi nagbabasa ako ng ano… hay, nariyan na 'yan eh, ano pa bang gagawin ko, eh 'di panindigan na lang," natatawang sabi ni Cristy. Nagkatawanan sila ni Romel Chika.

Cristy Fermin at Romel Chika (Screengrab mula sa YT/Cristy Ferminute)

Cristy Fermin at Romel Chika (Screengrab mula sa YT/Cristy Ferminute)

"Slip of the tongue! Hahahaha," pahabol pa ni Cristy. Pahamak daw ang netizen na binasa niya ang text message.

"Nag-iisa ka nanay!" sabi ni Romel.

Sa February 4 episode, inamin ni Cristy na hindi raw siya nakatulog dahil sa kaniyang nasabi. Bago kasi magsimula ang kanilang bagong blind item, nagbigay raw ng mensahe si Dyosa Pockoh, co-host ni Ogie Diaz at Mama Loi sa 'Showbiz Update', na entertainment vlog ni Ogie. Baka raw madulas na naman si Cristy.

"Alam mo, hindi ako pinatulog niyan, anong oras na ba ako nakatulog dahil diyan, sabagay binasa ko lang naman (text message), hindi ko naman sinabi na siya ang BI (blind item) natin eh, 'di ba," pagkaklaro ni Cristy.