Sa balitang hiwalayan nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga, marami tuloy ang nagsasabing tila na kay 'Pambansang Lalaking Marites' Xian Gaza ang huling halakhak, dahil matatandaang siya ang nag-ispluk ng intriga laban sa pagkakalabuan umano ng dalawa; at nadawit pa rito ang aktres na si AJ Raval para kay Diego, at si Daniel Padilla naman para kay Barbie, bagay na pinabulaanan naman ng bawat panig.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/05/diego-loyzaga-at-barbie-imperial-hiwalay-na-nga/">https://balita.net.ph/2022/02/05/diego-loyzaga-at-barbie-imperial-hiwalay-na-nga/

"So naniniwala na kayo ngayon na cinomfort ni Daniel Padilla si Barbie Imperial last December? Sabi pa nga ni Barbie sa isang text message: 'thank u sa hug kanina, I feel better now. merry xmas,'" saad ni Xian sa kaniyang Facebook post nitong Pebrero 4 ng gabi.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Pagkatapos nito, naglabas naman siya ng isang video na may caption na 'PAANO NAGTAPOS ANG BARBIE AT DIEGO?'. Dito ay idinetalye niya ang mga 'pasabog' niya kung kailan at bakit nga ba naghiwalay ang magjowa.

"Disclaimer muna tayo… ang masasaksihan ninyo ngayong gabi ay base sa tunay na chismis na aking nasagap mula sa mga taong malapit sa dalawa, ngunit, subalit, datapwat, alalaong baga, sisingitan ko ng mga palabok, eksena, for entertainment and cinematic purposes," saad ni Xian sa kaniyang video.

Chika ni Xian, noong Disyembre raw na bago lumipad si Diego patungong US, nag-away umano sila ni Barbie sa bahay nang malala. Ayaw daw umanong payagan ni Barbie ang ex-jowa na magtungo ito sa Amerika dahil 'fragile' na umano ang kanilang relasyon, at baka ito na raw ang tuluyang tutuldok dito. Naramdaman na umano ito ni Barbie. Kaya todo-pigil umano ang Kapamilya actress kay Diego na huwag siyang iwanan at sumama sa kaniyang pamilya sa States. Sa pagkakataong ito ay mega-iyak naman kunwari si Xian.

Sa pagpapatuloy, pinapili raw ni Barbie si Diego.

"Mamili ka Diego, Amerika o ako!" may pa-emote-emote pang salaysay ni Xian. Nag-walk out daw si Diego at ang pinili umano ay paglipad sa Amerika.

Nawindang daw si Barbie nang kinabukasan, pag-check umano ni Barbie ng phone niya, nakita niya sa IG story ng ex-jowa ang litrato nito habang nasa loob ng eroplano. Hindi na raw sila nag-usap buong holiday season. Pinili na raw ni Diego ang pagpunta sa Amerika dahil 'napagod' na umano ang aktor kay Barbie.

Pagkatapos daw ay nagtungo si Barbie sa bahay nina Karla Estrada dahil nga kaibigan nito ang anak nitong si Maggie Ford. At mukhang si Xian, iniintriga pa ang pagko-comfort umano ni Daniel Padilla kay Barbie dahil sa pinagdadaanan nito. Ayon pa kay Xian, hindi niya sasabihin kung sino umano ang kaniyang source dahil baka raw mawalan ng trabaho.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Sa latest Facebook post ni Xian, ipinakita niya ang screengrab ng pribadong mensahe niya kay Barbie.

"Dear Barbie"

"Alam mo ba kung bakit paborito kong guluhin ang buhay mo? Kasi may gusto ako sa'yo. Goal ko talaga na magkahiwalay kayo ni Diego. Hindi mo deserve ang isang lalaking mama's boy at palaging nahingi ng pera sa ama. Ika nga sa Lumang Tipan, 'you deserve better'. Alam ko na hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa 'yo for the last three months kaya ako'y kinasusuklaman mo."

"Ginawa ko lamang lahat ng ito upang magpapansin sa 'yo. Nawa'y mapatawad mo 'ko upang makapagsimula tayo nang bago. #BarXi.

"With love, Xian Gaza."

May be an image of text
Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Samantala, wala pang komento o tugon dito sina Barbie, Diego, o maging sina Karla Estrada at Daniel Padilla na nabanggit sa mga pasabog ni Xian.