Hindi pala binasa ng aktres na si Ruffa Mae Quinto ang caption ng isang obituary post ni Miss USA 2019 Cheslie Kryst sa Instagram kaya’t pakundangan itong nagkomento ng “Sana All.” Agad naman siyang humingi ng pasensya at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng beauty queen matapos malaman ang tunay na konteksto ng post.

Unang nagkomento ng “Sana all” si Ruffa Mae sa Instagram post ng Kami na naglalahad ng impormasyon kaugnay ng pagnanaw ni Cheslie.

Dahil sa larawan ng beauty queen suot ang black two-piece swimsuit, hindi na pala namalayan ng aktres ang konteksto ng larawan.

“[Pa]sensya na po, my deepest sympathy to her family. Napakaganda at sexy kaya sabi ko na “Sana all” ganyan ka perfect. Nabitin lang po sa text and yes’di ko nabasa buong caption. Hanggang Miss USA lang po nakita ko,” paliwanag ni Ruffa sa parehong comment box ng Instagram post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“So yesh read more nga,” dagdag niya.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang aktres sa pamilya naulilang pamilya ni Cheslie.

“Condolence po sa family [emoji] RIP [emoji],” ani Ruffa.

Pumanaw ang beauty queen, lawyer at “Extra” TV host noong Enero 30 sa suicide.