Sa kumakalat na Tiktok video, makikitang nasa tahanan ni actress-politician Marjorie Barretto si Presidential aspirant Vice President Leni Robredo. Namataan din sa isang larawan ang anak ng aktres na si Leon at Dani na kasama ang Bise Presidente.

Si Marjorie ay dagdag sa dumaraming tagasuporta ni Robredo na isang kilalang personalidad sa parehong larangan ng politika at showbiz.

Sa kumakalat na Tiktok video online, kumpirmadong certified ‘Kakampink’ nga si Marjorie. Sa katunayan, namataan sa kanyang tahanan ang bise presidente. Tila isang celebrity pang sinalubong ng mga tagasuporta si Robredo mula sa bahay ni Marjorie na makikita sa video.

Nagkaroon din ng pagkakataon na makadaupang-palad ni Robredo ang mga kamag-anak ni Marjorie sa pamamagitan ng isang virtual meetup.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“It was surreal. At first, it felt like a friend of a cousin joined our family zoom. She was so like to us. Then you realize, it’s VP Leni!” ani Xandra Barretto Olivares, pinsan ni Marjorie, sa isang Instagram post kalakip ang larawan ng Zoom meetup ng mga Barretto kasama si Robredo.

Screengrab via Instagram/ via Leni Robredo Supporters via Facebook

“Thank you much President Leni, we are claiming it. Through the pandemic. You’ve been the vision and feeling of hope for Filipinos,” dagdag ni Xandra.

Sa isang pahayag noon ni Marjorie, si Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ibinoto noong May 2016 elections.