Titiyakin ni Vice President Leni Robredo na mauusig ang mga idinadawit sa kontrobersyal na₱10 bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam kung mananalong presidente sa eleksyon sa Mayo 9.

"We have to get to the bottom of this because otherwise, paulit-ulit itong mangyayari. Kasamahan man o hindi, wala tayong kikilingan kasi oras na may kinilingan ka, failure na lahat 'yun. Nakasalalay ang tiwala ng taumbayan rito," pahayag ni Robredo sa isinagawang KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas) Presidential Forum nitong Biyernes.

"We are not yet moving on from the PDAF scam. Marami pang kaso ang wala pang resolusyon, meron nga kumakandidato, hindi lang national, pati sa local, na involved sa issue ng PDAF. We have to ensure that there will be swift prosecution ng mga nagkasala," dagdag nito.

Kaugnay nito, inihayag ni Robredo na pabor siya sa isinusulong na pagsasabatas nganti-turncoatism at anti-dynasty law upang marepormaang mga political parties.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Paliwanag niya, dapat na tanggapin ng mga 'balimbing' o nagpapalit ng political party ang resulta ng kanilang ginawa upang hindi na ito maulit pa.

"Kung aalis ka ng partido, dapat may privileges na mawawala sa’yo, [puwede] iyong posisyon mo. It is high time that we do that," aniya.

Dapat din aniyang bukas ang mga opisyal ng bayan na anumang imbestigasyon laban sa kanila.

"Public office is a public trust. We should be audited from time to time, kasi kung may corruption, hindi naman kalaban namin sa pulitika ang makikinabang [sa impormasyon] kung hindi ang taumbayan," anang bise presidente.

"Elections time or not, we should be scrutinized. Lahat dapatmaisiwalat, may conviction ba, ano ba ang pinagdaanan, at track record, lalo na pag may eleksyon," lahad pa ni Robredo.