Sa pinakahuling episode ng programang "Magandang Buhay" nitong Biyernes , Pebrero 4, kung saan guest co-host si Asia’s Songbird Regine Velasquez Alcasid, kapansin-pansin ang suot nitong luxury sandals na nakakalula pala ang presyo!

Kasama na nga nina Momshies Jolina Magdangal at Melai Cantiveros si Songbird sa morning show na Magandang Buhay simula pa noong Enero 31. Hindi lingid sa lahat na nominado sa isang partylist ang orihinal na host na si Karla Estrada, at dala ng nalalapit na kampanya, hindi na muna ito makikita sa programa.

Samantala, sa kanyang short hair look, lalo lang bumata at nakakaaliw pang nakipagsabayan si Songbird sa kanyang co-hosts. Ngunit hindi lang ito ang kapansin-pansin sa Kapamilya singer.

Basahin: ‘Di tumatanda? New look ni Songbird sa pagbubukas ng 2022, kinagiliwan ng fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Larawan mula sa Super Saiyan, isang fan page ni Regine via Facebook

Nitong Biyernes, makikita ang unique sandals na suot ni Regine para sa live episode ng programa.

Sa website ng brand nito, kinakailangan ng tumataginting na US$1,990 o P100,000 para magkaroon ng The Giant Sandals ng DSQUARED2. Gayunpaman, kasalukuyang soldout din ang item sa pag-uulat.

&t=1272s

Closet Tour and My Shoe Collection | Regine Velasquez

Kilala si Regine sa kanyang massive collection ng mga sapatos na minsan na niyang itinampok sa kanyang Youtube channel noong 2019.