Pinahihinto sa hukuman ang implementasyon ng Department of Health (DOH) na pagbabakuna sa mga edad 5-11 nang walang pahintulot sa mga magulang.

Ito ay nang maghain ng petisyon sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang dalawang magulang na sina Girlie Samonte at dating television reporter Dominic Almelor upang humiling ng TRO o writ of preliminary injunction laban sa Memorandum No. 2022-0041 ng DOH na may petsang Enero 24, 2022.

Kabilang sa sinampahan ng petisyon nitong Huwebes, Pebrero 3, sina Health Secretary Francisco Duque III, Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire at DOH Public Health Services Team.

Isinampa ang petisyon sa tulong na rin ng Public Attorney’s Office (PAO).

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

“There is a clear and present danger that children, who cannot make wise and mature decisions for themselves, will be forced into COVID-19 vaccination against their parents’/guardians’ will. The life and safety of the children are superior over the interest of the Respondents to experimentally inoculate children under the guise of solving the pandemic,” paliwanag nina Almelor at Samonte.

Inihayag nina Almelor at Samonte sa hukuman na apektado sila ng memorandum ng DOH dahil ang una ay may anak na pitong taong gulang habang si Samonte ay may anak na pito at siyam na taong gulang.

“The DOH Memorandum was issued in grave abuse of discretion and unconstitutional, given all the red flags against administration of COVID-19 vaccines to children,” ayon sa dalawa.

Itinuturing ng dalawa na grave abuse of discretion ang pagpapalabas ng memorandum ng DOH kaya hiniling nila sa hukuman na ideklara itong "unconstitutional at null and void.

Binanggit sa memorandum ng DOH na ang bansa na lamang ang kakatawan sa mga batang nagnanais na magpabakuna dahil tumatanggi ang kanilang mga magulang o guardians na maisagawa ito. Magsisilbi ring kinatawan ng gobyerno ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) o ang kanilang city/municipal counterparts para sa naturang pagbabakuna.

Iginiit din ng dalawa na walang batas na nagsasabing sapilitan ang pagsasagawa ng pagbabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Jeffrey Damicog