Naramdaman ng mga taga-Batangas ang magnitude 4.5 na lindol nitong Miyerkules ng gabi.
Ipinahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 10:47 ng gabi nang maganap ang pagyanig sa layong 20 kilometro hilagang kanluran ng Calatagan.
Naitala rin ng Phivolcs ang lalim na 89 kilometrong dulot ng pagyanig.
Naramdaman din ang Intensity II sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, at Intensity I naman sa Calapan City, Oriental Mindoro at Tagaytay City.
Ang pagyanig ay bunsod ng tectonic o paggalaw ng isang active fault na malapit sa nasabing lugar.
Walang inaasahang aftershocks ng pagyanig, ayon pa sa Phivolcs.
Ellalyn De Vera-Ruiz