Aabot sa 1,000 metriko toneladang basura mula sa mga health care facility ang naiipon sa bansa kada araw kasabay na rin ng pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Sa ngayon meron tayong 1,000 metric tons of waste or health care waste kada araw. Napakarami niyan,” pahayag ni DENR Undersecretary Jonas Leones at pinagbatayan nito ang datos na isinapubliko ng Environmental Management Bureau nitong Huwebes, Pebrero 3.

Dahil dito, nakikipagtulungan na ang ahensya sa mga local government units (LGUs) sa buong bansa upang mapaigting pa ang pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (Republic Act 9003).

“Ang ginagawa natin 'yung mga barangay, sila muna ang magkokolekta at nilalagay muna 'yan sa temporary transfer station. Dun kinukuha ng ating munisipyo 'yung mga health care waste na ito para dalhin sa treatment facility to sanitize them, bago dalhin sa final disposal sites," sabi nito.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Saklaw aniya ng naturang batas ang tamang paghihiwalay ng basura, pangongolekta, pagbiyahe at pagtatapon ng solid waste upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko at kapaligiran.

Binanggit din nito ang sitwasyon ng mga garbage collectors at sweepers at sinabing sinulatan na ng DENR angDepartment of Interior and Local Government (DILG) at LGUs upang magbigay ngprotective gears at facemasks sa mga ito upang matiyak ang kanilang kaligtasan laba sa COVID-19

“Yung mga personal protective equipment (PPEs) natin, facemasks additional gastusin din sa kanila ito. So when LGUs procure the services of these transporters dapat kasama sa contract nila yung mga protection sa trabaho nila para di sila mainfect,” paliwanag pa ng opisyal.

Faith Argosino