'Matalinong pagboto' ang mensahe ni Joneil Calagos Severino, isang young artist mula sa Gandara Samar, Ikatlong Taon para sa kursong Bachelor of Elementary Education sa Northwest Samar State University San Jorge Campus, sa kaniyang mga giant leaf art na nagtatampok sa mga aspiring president ng bansa, gaya nina Vice President Leni Robredo, dating senador Bongbong Marcos, Manila City Mayor Isko Moreno, Senador Ping Lacson, at Senador Manny Pacquiao.





May pamagat itong 'Giant Leaf Art tribute for our Aspiring Presidents' na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post.
"2022 Election is indeed quite near approaching. Ready na ba tayo? Ready ka na ba? Ready na ba talaga ang Pilipinas?
Now, How's your political self?" saad sa caption ni Joneil.May mensahe naman siya sa lahat ng mga botante.
"Remember, let us not only vote because we need to, but because it is our only power that can help to change something for a better Philippines. Indeed, future consequence is a reflection of our present choices and decisions so we must be politically aware, understand ideological distortion and have a wider viewpoint to examine sources we intake."
"Be wise and Be critique."
"What makes us today is the product for tomorrow. Hope is not dead, remember that."
"Nasa sayo. Oo, sa kamay mo mismo ang pag-asa para sa bayan na ito."
"Ikaw Sino Presidente mo?"
Ang mga materyales na ginamit niya para dito ay giant taro leaf na marami sa kanilang lugar, at upang maukit ang mga mukha ng aspiring presidents, gumamit siya ng precision knife.
10 oras umano ang ginugol niya upang matapos ang kaniyang leaf art. Huwag raw mag-alala ang mga plantito at plantita dahil matapos raw nilang manguha ng mga dahon ay nagtatanim ulit sila ng panibago upang maibalik ang kanilang mga nakuha.
"Note: The more we cut leaves, we always make sure to plant more back in."
"Praying for a peaceful Election 2022!"
Bukod sa mga presidential aspirant, una nang nakilala si Joneil dahil sa kaniyang mga leaf art na nagtatampok sa mga kilalang personalidad gaya nina Willie Revillame, Jessica Soho, Olympics gold champion Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, at marami pang iba.
Bukod sa mga dahon, kaya rin niyang gumawa ng artwork sa pamamagitan ng palito ng posporo o match sticks painting at uling o charcoal para naman sa charcoal painting.