Ang Taguig City government ay nagpataw ng mga paghihigpit sa mga hindi pa bakunadong indibidwal at curfew para sa mga menor de edad sa ilalim ng Alert Level 2.

Ang Metro Manila, kabilang ang Taguig, ay nasa Alert Level 2 mula Pebrero 1 hanggang 15 sa pagtatakda desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ang Taguig Safe City Task Force ay naglabas ng Advisory No. 66 nitong Feb. 1, na nagsasaad ng mga patakaran at alituntunin na ipapataw sa lungsod sa ilalim ng Alert Level 2.

“According to the guidelines of the IATF, Alert Level 2 is declared for areas where case transmission is low and decreasing, healthcare utilization is low, or case counts are low but increasing, or case counts are low and decreasing but total bed utilization rate and intensive care unit utilization rate is increasing,” ayon sa advisory.

FPRRD, pinagkaitan ng karapatan sa Pilipinas—legal counsel

Sa ilalim ng Alert Level 2, nagpatupad ang Taguig City government ng curfew para sa mga menor de edad na wala pang 18 taong gulang simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.

Sinabi ng task force ng lungsod na “All unvaccinated individuals, including those above sixty-five (65) years old, pregnant women, and those with comorbidities and immunodeficiencies must stay at home except for accessing essentials, reporting to work and outdoor exercise.”

Ang mga menor de edad na aalis sa kanilang tirahan para sa anumang kadahilanan ay dapat na may kasamang ganap na bakunadong magulang o may sapat na gulang na tagapag-alaga sa lahat ng oras.

Sinabi ng task force na lahat ng pribado at government establishments at PUV terminals ay “dapat magbigay ng tulong sa lahat ng hindi pa nabakunahan na indibidwal na naninirahan o nagtatrabaho sa Taguig.”

Kung nais magpabakuna ang mga hindi pa bakunadong indibidwal, sila ay ire-refer sa isang pinakamalapit na community vaccination hub o sa isang TRACE kiosk sa barangay.

Jonathan Hicap