Alin nga ba sa rice cooker, induction cooker o paggamit ang gas ang mas nakakatipid sa bulsa sa pagsasaing ng kanin? Ito ang hirit ng Meralco sa kamakailang trending na “ako pala ang sinaing mo” na tugon ng isang online personality sa kanyang ex-girlfriend.

Kinuhang oportunidad ng Meralco upang paalalahanan ang mga consumer nito ang kamakailangan natuklasang halaga ng konsumo sa iba’t ibang paraan ng pagsasaing ng kanin.

Ayon sa isinagawang testing sa Power Lab ng Meralco, para sa 5 cups na bigas sa loob ng 25 minutong cooking time, P2.09 lang ang konsumo nito sa kuryente.

“Hi, makiki-saing kaming taga-Meralco sa usaping ‘to. Para sa impormasyon ng lahat ng Marites, based on our testing sa Power Lab, if you use an electric rice cooker para sa 5 cups of rice for 25 minutes of cooking time, Php 2.09 ang konsumo ng kuryente,” mababasa sa caption ng Meralco sa Facebook kamakailan.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Dagdag nito, “Sa induction cooker naman, for 5 cups for 15 minutes of cooking time, Php 3.23.”

Aabot naman sa P8.09 ang halaga ng pagsaing sa 5 cups ng bigas sa loob lang ng 20 minuto.

Paalala pa ng Meralco, “pwede pang masunog at magka-tutong.”

Kaya payo ng power distributor sa mga Marites, “sa rice cooker, makakatipid ka na, sure ka pa na hindi masusunog ang sinaing, kaya walang saying.”