Maraming Pilipino ngayon ang nae-engganyo sa pag-iinvest. Ilan dito ay nagtatanong kung saan nga ba sila maaaring mag-invest sa mababang halaga. Alamin kung hanggang saan aabot ang P1000 mo.
Ano nga ba ang investment? Ito ay pagbili ng isang aytem o pag-aari na makakapagbigay sayo ng kita, o paglaki ng halaga pagdating ng panahon. Kinakailangan dito ng pagsasakripisyo dahil hindi lamang pera ang tinataya dito ngunit pati na rin ang inyong oras at efforts.
Maraming Pilipino ang isinasaisip na sapat nang mag-deposit sa banko upang mapalago ang kanilang pera. Ngunit kung tutuusin, hindi sapat na patulugin lamang ang pera sa banko dahil maliit lamang ang halagang kapalit nito.
Sa Pilipinas, ang mga bankong tulad ng Bank of the Philippine Islands (BPI), Banco de Oro (BDO), Landbank, at Metrobank, ilan lamang sa mga kilalang banko sa bansa, umaabot lamang sa 0.005% hanggang 0.065% ang interest ang nadadagdag sa iyong savings account sa banko.
Kaya isipin mo na lamang kung may P20,000 ka sa iyong savings account, papalo lamang sa P100-130 ang nadadagdag sa iyong pera kada buwan. Bukod pa rito, nakakaapekto rin ang inflation, na siyang nagiging dahilan ng pagtaas ng pangkalahatang antas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo.
Ngayon, hindi sapat na patulugin lamang ang pera sa banko, mas maganda na simulan ang pag-iinvest.
Narito ang listahan na maaari mong pasuking invest na kinakailangan lamang ng maliit na halaga na hindi lalagpas ng P1000.
● GInvest ng GCash
Sa pamamagitan ng mobile wallet na GCash, hinahayaan nito na makapag invest ang kanilang mga verified user sa international stock markets na mababang halaga. Ang programang GInvest ng GCash ay makakapagbigay ng paraan sa users na makapag-invest sa financial markets, mapa bonds man ito o stocks, sa halagang P50.
May tatlong investor ang maaaring paglaan ng users ng kanilang investment: Conservative investors, Moderate investors, at Aggressive investors.
Sa moderate investors nakapaloob ang government at corporate bonds. May initial investment na P50, at may balik na 0.48% kada taon. Mababa ang potensyal na mawala ang pera mo rito ngunit maliit rin ang posibilidad na lumaki rin ang pera. Halimbawa rito ang time deposit placements sa BPO at RCBC at sa treasury bonds.
Pasok rin sa moderate ang government at corporate bonds. May initial investment na P50, at may balik na 2.27% kada taon. Magandang mag-invest sa loob ng tatlong taon o higit pa.
Samanta ang aggressive investors ay ang pinaka-risky sa tatlo. May initial investment na P100, at may balik na 15.60%-52.22% kada taon. Malaki ang tsansa na mawala ang pera ngunit mas malaki ang tsansa na lumaki ang balik ng iyong investment. Magandang mag-invest sa loob ng limang taon o higit pa.
● SSS PESO Funds
Ang Social Security System (SSS) P.E.S.O (Personal, Equity and Saving Option) Fund ay eksklusibo lamang para sa mga miyembro ng SSS. Ang programang ito ay bukas sa mga boluntaryong mag-invest nang hindi bababa sa P1000 bawat kontribusyon.
Mapupunta ang alokasyon ng iyong kontribusyon sa mga sumusunod na accounts:
- 65% ay mapupunta sa retirement o total disability, na nakabase sa limang taong T-bond rate.
- 25% ay ilalan sa pang-medikal, na nakabase sa 364 na araw na T-bill rate; at
- 15% ay mapupunta sa karaniwang personal na layunin tulad ng edukasyon, pabahay, pagkakakitaan, at kung mawalan ng trabaho, na nakabase sa 364 na araw na T-bill rate.
● Pag-IBIG MP2 Savings
Ayon sa Pag-IBIG, bukas ang MP2 Savings sa sinumang aktibong miyembro ng Pag-IBIG Fund — employed, self-employed, individual payor o maging Overseas Filipino Worker (OFW).
Basahin: Alamin: Mga dapat mong malaman sa pagbubukas ng Pag-IBIG MP2 Savings
Maaaring makapag-ipon sa MP2 Savings sa mababang halaga dahil P500 per remittance (kada buwan) lamang ang pinakamababang maaaring ihulog. Ngunit kung mas malaki ang ninanais mong maipon ay wala namang itong limit. Maaari kang makapag-ipon ng higit sa P500,000, na siya namang mayroong 6.12% na dividend rate.
● US Stocks via GoTrade app
Ang GoTrade app ay isang online platform upang pasukin ang US stocks at ETFs (Exchange-Traded Funds). Maaaring mag-invest dito sa halagang isang dolyar o humigi't kumulang P50. Hinahayaan ng GoTrade na bumili ang kanilang users ng stocks sa minimum na isang dolyar. Wala rin itong commission fee kaya naman ay mama-maximize mo ang balik ng iyong investment.
● Cryptocurrency via crypto.com, Binance, PDAX, Coins.PH
Maraming mga financial adviser na hindi nire-recommend ang crypto para sa mga baguhan at walang kaukulang kaalaman sa larangang ito. Sa kabilang banda, maaaring mag-invest dito sa halagang P1000.